-- Advertisements --

Kita sa mga drone shots na napuno ang iba’t ibang kalsada sa Mandaluyong ng libu-libong mga tagasuporta ang nakidalo sa Grand Rally ng “BBM-Sara UniTeam” noong Peb. 13, 2022.

Puro nakasuot ng pulang damit at may winawagayway na maliliit na mga bandila ng Pilipinas ang mga nasabing taga-suporta na sa malapitang tingin ay sumunod naman sa mga health protocols sa nasabing pagtitipon.

Pinangunahan ni dating Mmayor at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang mga taga-Mandaluyong sa pagpapakita ng suporta sa tambalan nina presidential candidate Bongbong Marcos at Vice-presidential candidate Sara Z. Duterte-Carpio.

“Matalino, pinakamagaling at higit sa lahat may puso. May 5, 2016 halos six years ago sa lugar na ito… Tumakbo siya [Marcos Jr.]. Ano ang binigay boto ng Mandaluyong?… Dumadagundong! Nanalo! Nanalo sa Mandaluyong! Nanalo sa kalakhang Maynila. Kaya naman ngayon ay mas maraming pa tayo!,” ani Abalos.

“Kami po ni Inday Sara ay may adhikaing pagkakaisa kaya naman po kami ay tinatawag na UniTeam dahil unity po ang aming pangarap para sa sambayanang Pilipino!,” paliwanag naman ni Marcos.

Inilatag ni Marcos ang kanyang iba’t ibang palatporma para sa bansa.

Dumalo rin sa grand rally ang mga senador na tumatakbo sa ilalim ng UniTeam slate pati na rin si Toni Gonzaga na kumanta ng “Eye of the Tiger” alinsunod sa bansag kay Marcos na “tigre ng Norte.”

Tinatayang may humigit kumulang 240,000 na rehistradong botante sa Mandaluyong.