-- Advertisements --

Nagpositibo sa coronavirus ang midfielder ng Manchester United na si Paul Pogba.

Kinumpirma ito ni France manager Didier Deschamps, kung saan nag-self-isolate na sa loob ng 14-araw ang 27-anyos.

Hindi naman na ito nagbigay pa ibang detalye kung paano niya nakuha ang nasabing virus.

Dahil dito ay hindi siya makakasama sa Nations League ng France sa laro nila laban sa Sweden sa darating na Setyembre 5 at home game laban sa Croatia pagkatapos ng tatlong araw.

Inaasahan naman na makakasama na ito sa selection ng United’s Premier League opener laban sa Crystal Palace sa Old Trafford.