Inanunsyo ng Manapla Port Stevedoring and Arrastre sa Barangay Punta Salong, Manapla, Negros Occidental na magsisimula ang operasyon nito sa Hunyo 28.
Ito ay matapos ang apat na buwan matapos ang inagurasyon ng P180-milyong halaga ng pantalan noong Pebrero 2.
Kasabay ng pagbubukas nito, sinabi naman ng Manapla Port Stevedoring and Arrastre ang roll-on, roll-off (Ro-Ro) ferry schedule na nagkokonekta sa Manapla Port sa Ajuy Port sa Iloilo.
Ito ang magsisilbing huling link ng bagong nautical highway sa pagitan ng Negros Occidental at Panay Island.
Dahil dito,magkakaroon na lamang ng mas maikling oras ng paglalakbay na 1.5 oras lamang sa pagitan ng dalawang lugar.
Inihayag pa ng Manapla Port Stevedoring and Arrastre na ang pinaka mabilis at pinaka direktang maritime link sa pagitan ng Manapla at Panay ay layong pag-ibayuhin ang kahusayan sa pagbibiyahe para sa parehong mga pasahero at kargamento.
Nakatakda namang buksan ang pangalawang ruta sa Concepcion Port sa Panay sa lalong madaling panahon.