Binanatan ni Davao Rep. at presidential son Paolo Duterte ang management style ni Tourism Sec. Berna Romulo-Puyat.
Sa kalagitnaan ng plenary deliberations ng 2020 proposed budget kagabi ay binigyan ng pagkakataon si Duterte para sa privilege speech nito.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Duterte na nakatanggap siya ng mga reklamo hinggil sa pamamalakad ni Puyat sa Department of Tourism (DOT) partikular na ang mga inaprubahang kontrata at proyekto ng ahensya.
Sinabi ng kongresista na noong Setyembre 17 pa niya balak mag-interpellate sa 2020 budget ng DOT para malinawan sa mga reklamong kanyang natanggap laban dito.
Subalit bilang bahagi ng napagkasunduan ng kanilang pre-plenary conference, minabuti aniya ni Speaker Alan Peter Cayetano na mag-usap na lang ang dalawa sa harap nito.
“I wanted to clarify these issues because I believe it is my right and sworn duty as a member of this esteemed chamber to ask question and thus interpellate any of my fellow legislator on the floor,” ani Duterte.
Pagkatapos ng kanilang naging pag-uusap, sinabi ng kongresista na akala niya ay naayos na ang lahat subalit nauwi lamang daw ito sa sumbungan ay mga maling paratang laban sa kanya.
Ayon kay Duterte, kaya siya nag-privilege speech kasi nais niyang ipabatid sa publiko ang pangyayaring ito upang malaman ng lahat ang pag-uugali at karakter ng kalihim.