-- Advertisements --

Nagbabala ngayon ang isang mambabatas sa nagbabadyang nutrition crisis base na rin sa pinakahuling survery g Social Weather Stations (SWS).

Base kasi sa survey, nasa 100,000 na bagong pamilya ang nakararanas ngayon ng tinatawag na involuntary hunger sa unang quarter ng kasalukuyang taon.

Ito ay sa gitna na rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na base sa April 19 hanggang 27 survey ay 12.2 percent ng mga respondents ang nagsasabing ang kanilang mga pamilya ay nakakaranas ng kagutuman sa loob ng tatlong buwan.

Dahil dito, sinabi ni Salceda na kapag hindi raw nakahanap ang pamahalaan ng mura at accessible na pagmumulan ng nutrisyon para sa mga mahihirap na pamilya maging ng mga bata ay magkakaroon ng nutrition crisis sa bansa na maari ring makaapekto sa long-term growth prospects.

Kaya naman, iginiit ni Salceda ang kahalagahan nang pagkaroon ng access sa murang pagkain sa pamamagitan ng pagsuporta sa main food system ng bansa pero hinimok din ang small-scale at local food production.

Puwede raw itong gawin sa pamamagitan ng community at backyard farming.

Kabilang daw sa mga puwedeng itanim sa bakuran ang camote, cassava at maglagay ng small-scale poultry at eggs.

Una na ring nagbabala ang Food and Agriculture Organization (FAO) at United Nations World Food Programme (WFP) sa nagbabadyang food crises.

Ito ay dahil naman sa conflict, climate shocks, ang epekto ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic at ang massive public debt burdens maging ng digmaag nagaganap sa pagitan ng Russia at Ukraine.