BUTUAN CITY – Nabuhayan ng loob ang pamilya Inocencio sa Lungsod ng Butuan kasunod ng pagtanggal na ng Supreme Court (SC) sa temporary restraining order (TRO) para sa Mamasapano case.
Nangangahulugan ito na maaari nang dinggin ng Sandiganbayan ang 44 na bilang ng kasong reckless imprudence resulting in homicide laban sa matataas na opisyal ng dating administrasyong Noynoy Aquino.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Virgilio Inocencio, ama ng isa sa namatay na Special Action Force (SAF) 44 commandos na si Senior Police Officer Lover Inocencio, na sa pamamatigan ng pagtanggal ng TRO ay malaki ang tiyansang mabigyan ng hustisya ang kanyang anak.
Dapat lamang aniya na mapanagot ang mga matataas na opisyal ng gobyerno sa panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino dahil sa hindi nila pagpapadala ng reinforcement sa kabila ng ilang beses umanong hiniling ito ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP)-SAF.
Nais ni Mang Virgilio na mapanagot sa batas sina dating Pangulong Aquino, dating PNP Chief Alan Purisima at dating PNP-SAF Director Getulio Napenas Jr.
Enero 25, 2015, mahigit sa 60 ang namatay kasama na ang 44 na SAF commandos sa bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao.