-- Advertisements --

Matagal ng inere-reklamo ng mga taga Barangay Capataan, San Carlos City, Pangasinan lalong lalo ang mga taga Sitio Boquig ang isang waiting shed sa kanilang Barangay kay Kapitan Rodel Pamintuan dahil umano ang waiting shed na ito ay blind spot sa kaliwa at sa kanan sa mga motorista dahil ito ay isang hugis pa-krus na daan at palaging nagkakaroon ng hindi na mabilang na aksidente o disgrasya sa nasabing lugar.

shed 1
waiting shed

Ayon pa sa kanila na may mga waiting ng itinayo na hindi naman importante at may mga pinaganda pa na pinagka gastusan ngunit ang waiting shed sa Sitio Boquig na sanhi ng mga disgrasya na ginawa pa ng matagal ng panahon at luma na ay hindi mapalitan dahil ito ay hindi maayos ang pagkakalagay na sanhi nga ng mga disgrasya.

Bagamat makailang beses na din nanawagan ang mga residente na malapit sa nasabing waiting shed ay parang wala itong balak gawin at madaming dahilan itong si Kapitan at sila ay binabalewala dahil hanggang ngayon ay walang aksyon itong si Kapitan Pamintuan.

Nagbibingihan at nagbubulagbulagan umano a mga aksedente sa nasabing lugar itong si Kapitan Pamintuan at inakusahan na inuuna pa ang hindi importanteng bagay kesa sa mga bagay na mas higit na magbibigay kaligtasan sa mga tao samantalang kung susuriin mabuti ay hindi naman ito mahirap gawin dahil may nakalaang pondo naman na 20% exclusive for Barangay Development funds. taon taon ng kanyang panunugkulan na mula sa IRA ng Barangay, nagtataka na tuloy itong mga mamayan ng nasabing Barangay kung ano pa ulit ang kanyang idadahilan at saan napunta ang pondo dahil wala naman maipakitang statement of expenditure.

Nanawagan din sila na sana ay tapusin na ni Kapitan Pamintuan ang hindi natapos na drainage o kanal sa Sitio Boquig sa nasabing Barangay dahil mas lalo daw na hindi dumadaloy ang tubig mula sa ulan at bukid dahil barado ang kanal at hindi natapos ang paggawa nito na inumpisahan gawin noong 2019 pa. Ang nasabing drainage ay makikita din na putol-putol at walang silbi dahil hindi ito naka level sa kalsada kaya’t nagtataka sila kung bakit ganito ang pagka-gawa kaya nababaha ang mga kabahayan na malapit dito tuwing sumasapit ang tag-ulan.

Kurapsyon ang itinuturing dahilan kung bakit hindi magawa ang mga project na ito. Kayat nanawagan ang mga taga Sitio Boquig ng nasabing Barangay at pinarating sa Bombo Radyo.