-- Advertisements --

Hinimok ni House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda ang national government na maglatag ng malinaw na guidelines sa pagbili, pag-imbak at pagtuturok ng bakuna ng mga lokal na pamahalaan para sa kanilang mga residente.

Ginawa ito ni Salceda matapos na aprubahan ng kanyang komite ang House Bill No. 8648, na magbibigay ng COVID-19 vaccine tax exemptions sa pagbili ng mga LGUs.

Iginiit ni Salceda na ang pagbili ng mga bakuna ay kalahati lamang ng problema dahil isa rin sa mga dapat isaalang-alang ang logistics.

Kailangan matukoy at mabigyan din ng pondo ang gagamiting cold storage facilties, efficient transport ng mga bakuna, at training para naman sa mga health workers na magtuturok ng bakuna.

Iginiit din ng kongresista na dapat linawin ng Department of Health (DOH) ang guidelines sa pagbabakuna, at kailangan tulungan din ang mga LGUs na makamit ang standards na ito.

“One of the problems that we saw early during the pandemic is that when some LGUs would fail to meet DOH standards, we would see them only reject the requests of LGUs,” ani Salceda.

“There has to be more serious effort to help LGUs meet the standards. And the standards have to be clear from the very beginning, so that we save time from useless back-and-forth,” dagdag pa nito.