-- Advertisements --

Kasabay ng pagsisimula ng “ber months,” inamin ng Department of Trade and Industry (DTI) na may aasahang pagtaas sa presyo ng high-end Noche Buena products sa mga susunod na linggo.

Sa isang panayam sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez na inaasahan na rin nila sa kagawaran ang pagdating ng mga petisyon para sa increase ng naturang mga produkto.

Ayon sa kalihim, madalas na magtaas sa presyo ang mamahaling brands pero naglalaro lang daw ito sa isa hanggang dalawang porsyentong increase.

Samantalang ang mga murang brand ay tiyak na hindi magpapataw ng taas presyo dahil mas mahigpit ang kompetisyon sa naturang hanay.