-- Advertisements --
image 16

Binigyang-diin ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim ang pangangailangang higit pang pahusayin ang defensive security sa pagitan ng Malaysia at Pilipinas.

Si Anwar, na dumating sa Maynila para sa dalawang araw na opisyal na pagbisita hanggang Huwebes, ay nagpahayag din ng pagkabahala tungkol sa lumalaking tensyon sa South China Sea at nanawagan ng komprehensibong diskarte at amicable resolution sa issue sa pinagtatalunang karagatan.

Katulad ng Pilipinas, ang bahagi ng South China Sea ay iginiit ng Malaysia bilang sarili nitong karagatan.

Sa pagpuna na ang ugnayang panseguridad ng Kuala Lumpur at Maynila ay matibay at lumalago, nais ni Anwar na pahusayin pa ang pakikipagtulungan sa ating bansa.

Kaya naman, napagkasunduan niya at ng administrasyon ni Marcos na ipagpatuloy ang 8th Joint Commission Meeting sa pagitan ng dalawang bansa, na huling ginanap noong 2011.

Layunin ng pagpupulong na talakayin ang pagpapatupad ng cooperative undertakings sa pagitan ng Malaysia at Pilipinas, kabilang ang mga larangan sa pulitika at seguridad.

Sa unang pagkakataon sa Pilipinas matapos manumpa bilang ika-10 punong ministro ng Malaysia, tiniyak ni Anwar kay Marcos na ang kanyang administrasyon ay mas magiging maayos at lalo pang pagbutihin ang kanyang pakikipagtulungan sa ating bansa.