-- Advertisements --
Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim

Ilang araw mula ngayon ay nakatakdang makipagpulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim.

Ito ay sa gitna ng nakatakdang pagbisita ng Malaysian Prime Minister sa ating bansa sa darating na Miyerkules, unang araw ng Marso ng taong kasalukuyan.

Dahil dito ay inaasahang magbibigay ng public lecture at magsasagawa rin ng iba pang aktibidad si Anwar sa Pilipinas sa kasagsagan ng kaniyang one-day official visit sa bansa.

Sa kanilang magiging pagpupulong ni Pangulong Marcos Jr. ay inaasahan din na mapag-uusapan ng dalawa ang pagpapalakas pa ng political, economic, at security ties sa pagitan ng Malaysia at Pilipinas at gayudin ang iba’t-ibang regional at global issues na magpapatibay pa sa bilateral relations ng dalawang bansa.

Samantala, ito ang kauna-unang pagbisita ni Malaysian Prime Minister Anwar sa Pilipinas mula nang siya ay pormal na manungkulan sa bilang ika-10 prime minister ng kanilang bansa noong November 24, 2022.