-- Advertisements --

Itinanggi ng gobyerno ng Malaysia na nagdeklara sila ng holiday matapos ang pagkapanalo ng actress na si Michelle Yeoh sa katatapos na Oscars award.

Ayon sa opisina ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim na ang peke ang mga lumabas na usapin sa social media na nagdeklara sila ng holiday.

Ang nasabing usapin ay mula umano sa ‘dinoktor’ na headline sa isang online news na nagdeklara ng holiday ang Malaysia dahil sa panalo ni Yeoh.

Ayon naman sa online news company na malinaw na binago ang nasabing headline at wala aniya silang kinalaman sa pagkalat ng fakenews na magkakaroon ng holiday sa Marso 15.

Hinikayat nila ang mga mamamayan na doblehin na berepikahin ang mga balitang lumalabas.

Magugunitang gumawa ng kasaysayan ang 60-anyos na actress matapos na tanghalin bilang kauna-unahang Asian na nagwagi sa best actress sa Oscars sa pelikulang “Everything Everywhere All at Once.”

Isinilang sa Ipoh City sa Malaysia kung saan nagsimula siya sa paggawa ng mga Hong Kong action films.

Nakasama siya sa Jame Bond film na “Tomorrow Never Dies” noong 1997 at “Crouching Tiger, Hidden Dragons ” noong 2000.