-- Advertisements --

Nagpasya ang Malaysia na hindi na sila sasali sa Miss Universe 2021.

Ayon sa Miss Universe Malaysia Organization na dahil sa patuloy na ang pagtaas ng kaso ng Delta variant ng COVID-19 kaya minabuti nilang hindi na lumahok pa sa nasabing pageant.

Malaysia Miss Universe
Miss Universe Malaysia

Wala na rin silang isasali dahil sa hindi na sila nagdaos ng local pageant.

Umaasa naman ang organizer ng Miss Universe na madadagdagan pa ang mga bansang hindi lalahok sa pageant dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Una ng hindi nakasali ang 19 bansa sa Miss Universe 2020 dahi lsa pandemiya.

Gaganapin ang nasabing pageant sa Disyembre sa Eilat, Israel.