-- Advertisements --
image 325

Nagpahayag ng interes ang bansang Malaysia na mas pagtibayin ang kanilang agricultural cooperation sa Pilipinas.

Ito ang naging bahagi ng pagpupulong ni Department of Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban sa bagong talagang Malaysia Ambassador to the Philippine na si Dato’ Abdul Malik Melvin Castelino bin Anthony.

Nagpahayag ng parehong interes ang dalawang opisyal sa pagbuo ng joint venture na maghihikayat pa sa mas malawak na trade investment sa maraming produkto ng bansa katulad ng produktong karne, halal products , at mataas na uri ng prutas at gulay.

Tinalakay rin sa naturang pagpupulong ang pagkakaroon ng kolaborasyon sa research at knowledge sharing pagdating sa mga usapin na may kinalaman sa fisheries, aquaculture, mariculture, at rubber industries.

Umaasa naman ang ambassador ng Malaysia sa Pilipinas na lalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang memorandum of understanding upang maiangat ang agricultural activities sa pagitan ng Malaysia at Pilipinas sa nakatakdang state visit nito sa kanilang bansa ngayong taon.

Pupunta ang Pangulo sa Malaysia upang dumalo sa 45th Meeting of the ASEAN Ministers on Agriculture and Forestry kung saan tumatayong host ang bansang Malaysia.