-- Advertisements --

Epektibo na ngayong araw ang pagkakatalaga kay balik Kampo Crame na si Police Regional Office III Director at Philippine National Police (PNP) Spokesperson PBGen. Jean Fajardo bilang bagong Directorate Comptrollership.

Pinalitan nito si PMGen. Neil Alinsangan na siyang itatalaga naman sa Area Police Command ng Eastern Mindanao.

Ilang mga karagdagang pagbabago pa sa hnay ng pulisya ang nganap ngayong araw kung saan papalitan naman ni PBGen. Rogelio Ibasco Penones si Fajardo bilang Officer-In-Charge ng Police Regional Office III (PRO3) habang si PBGen. Gerry Villas Protacio ay ang magiging Officer-In-Charge ng PRO 2.

Kabilang din sa malawakang balasahan si PBGen. Josefino Dico LIngan na siya namang magiging Officer-In-Charge ng PRO 6 habang si PBGen. Dindo Regis Reyes naman ang ilalagay bilang Officer-In-Charge ng PRO1.

Samantala, ayon naman kay PNP Chief PGen. Nicolas Torre III, ang mga bagong balasahan ay bahagi pa rin ng patuloy na re-organisasyon ng mga hanay ng pulis sa ilalim ng kaniyang liderato.