-- Advertisements --
Nilinaw ng Metropolitan Waterworks and Sewerage Systems na ang pagbaha sa Hagonoy, Bulacan ay sanhi ng high tide at hindi dahil sa pagpapakawala ng tubig mula sa Ipo Dam.
Sinabi ni Engineer Patrick James Dizon, Division Manager, na ang Ipo Dam ay nagpapakawala ng tubig simula pa noong araw ng Huwebes.
Ang nasabing water release ay upang maiwasan ang pag-apaw ng tubig sa dam.
Aniya, mataas kasi ang pressure ng tubig kapag mataas ang elevation.
Kung hindi natin bubuksan ang mga gate ay mababawasan ang integrity ng ating mga dam dahil nag o overflow na ‘yung tubig.
Una nang sinabi ng DOST ang pagtataya ng 6 hanggang 8 typhoon landfall sa Pilipinas bago matapos ang taon.