-- Advertisements --
Naglunsad ng large-scale missile at drone strikes ang Russia sa kabisera ng Ukraine na Kyiv na ikinasawi ng hindi bababa sa labing-tatlong katao.
Inilikas na rin ang ilang mga residente sa gitna ng mga pambobomba sa mga gusali sa kabisera, ilang oras matapos magbabala si Ukraine President Volodymyr Zelensky na naghahanda ang Russia para sa malawakang pag-atake.
Sa kasamaang palad, kabilang sa mga naitalang casualties ang mga bata, base sa kumpirmasyon mula kay Tymur Tkachenko, ang head ng military administration ng Kyiv.
Aniya, muling tinatarget ng kalaban ang residential areas at pinapatay ang mga sibilyan.
Inako naman ng Russian Ministry of Defense ang pag-target sa energy facilities bilang ganti umano sa kamakailang strikes ng Ukraine.
















