Kinumpirma ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na tinamaan ng kanilang militar ang dalawang oil refineries ng Russia.
Sa isang online post, sinabi ni Zelensky na tinamaan ng Defense Forces ng Ukraine ang Slavneft-Yanos refinery sa Yaroslavl at Bashneft- Novoil refinery sa Bashkortostan.
Sinabi rin ng Ukrainian president na tinamaan din nila ang dalawang military patrol boats at vessels mula sa shadow fleet ng Russa sa Black Sea.
Ayon naman sa gobernador ng Yaroslavl na si Mikhail Evraev, nawasak nila ang Ukranian drones na umaatake sa rehiyon subalit nagdulot ng sunog ang mga bumabagsak na debris sa tatlong kabahayan.
Kinumpirma kalaunan ng gobernador na mayroong apat na katao ang nasugatan ng shrapnel, subalit sa kabutihang palad ay walang nasawi.
















