-- Advertisements --
malampaya1

Naabot ng Malampaya onshore gas plant ang isang milestone sa safety standards dahil wala itong naitalang insidente ng pinsala sa mahigit dalawang dekada ng operasyon.

Sinabi ng Prime Energy na minarkahan nito ang 22 taon ng “goal zero” sa gas field, na nagpapahiwatig ng higit sa dalawang dekada ng tuluy-tuloy na operasyon na walang pinsala sa mga tao – empleyado, kontratista, kapaligiran, at walang makabuluhang insidente sa kaligtasan ng proseso ng operasyon nito.

Ayon kay Prime Energy managing director at general manager Donnabel Cruz, ito ay indikasyon ng magandang pamamahala sa sa kanilang operasyon.

Sinabi ng Prime Energy na natapos na nito ang maintenance shutdown ng Malampaya para sa offshore platform at onshore gas plant nito sa takdang oras at walang naitalang insidente noong Pebrero 2023.

Iginiit ng kumpanya ang pangako nito sa safety, security, and environment culture ay naging instrumento sa pag-abot sa naturang milestone.

Dagdag ng kumpanya na isa pang pangunahing salik sa pagpapanatili ng “goal zero” ay ang malakas na ibinahaging pangako ng organisasyon kasama ang mga contract partners ng Malampaya.