-- Advertisements --
Maidederekta na sa mas malawak na treatment facility ang mga dumarating na pasyente at under observation dahil sa COVID-19.
Ayon sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), itinatayo ang pasilidad sa Eva Macapagal Super Terminal, Pier 15, Manila South Harbor, na nasa lungsod ng Maynila.
Aabot sa 211 cubicles ang inihahanda rito na kayang ma-accomodate ng mga pasyenteng may mild condition, advanced at severe.
Pero magkakabukod umano ang lokasyon ng bawat klase ng kalagayan ng pasyente, para maiwasan ang hawaan.
Nagtulong-tulong sa proyektong ito ang Philippine Ports Authority (PPA), Philippine Coast Guard (PCG) at Maritime Industry Authority (MARINA).