-- Advertisements --
cropped Senate 5

Kinuwestyon ng isang mambabatas ang naging basehan para sa alokasyon ng malaking pondo para sa National Capital Region sa 2023 proposed budget.

Ayon kay Senator Francis Tolentino, mayroong alokasyon ng expenditures programs sa bawat rehiyon subalit napag-alaman na ang NCR ay nakatakdang makatanggap ng malaking alokasyon na nasa 18.8% ng pondo na nagkakahalaga ng P989 billion.

Aniya, sa kabila ng maraming plano at programa para mapunan ang gap sa pagitan ng mga rehiyon, napag-iwanan muli ang ibang rehiyon

Subalit pinagtanggol naman ni Senate Finance panel chairman Sen. Sonny Angara ang naturang proposed budget na isa sa mga factor ay ang lokasyon ng lahat ng central offices ng mga ahensiya ng gobyerno na nasa NCR.

Sa katunayan, ayon kay Sen. Angara sa nakalipas na administrasyon sinubukang i-relocate ang ilang government agencies sa Clark, Pampanga at iba pang mga lugar para matugunan ang naturang isyu.

Inamin din ng Senador na kailangang maging pantay at ma-redistribute ang resources upang magkaroon ng equity.

Target ng dalawang kapulungan ng Kongreso na maipresenta ang bicameral-approved budget sa pangulo sa ikalawang linggo ng Disyembre sa pag-asang ito ay lalagdaan bilang batas bago ang Pasko.