-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Department of Energy (DOE) na magkakaroon ng panibagong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sinabi ni DOE-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad na mayroong kalakihan ang itataas sa kada litro ng mga produktong langis.
Hind naman nito binanggit kung magkano ang posibileng itaas ng mga produktong langis sa susunod na linggo.
Kadalasan kasi inaanunsiyo ng mga kumpanya ng langis pagtaas ng kanilang produkto sa araw ng Lunes o isang araw bago ang pagpapatupad ng panibagong pagtaas ng presyo ng langis.










