Dahil sa teamwork sa pagitan ng House of Representatives at ang administrasyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang siyang naging susi para makamit ng mababang kapulungan ang record number of bills at resolution na naipasa sa First Regular Session ng 19th Congress.
Ito ang inihayag ni Quezon Rep. Mark Enverga, dating pinuno ng Nationalist People’s Coalition (NPC) na siya ring chairman ng House Committee on Agriculture and Food.
Hinimok naman ni Rep. Enverga ang mga kapwa mambabatas na tularan si House Speaker Martin Romualdez sa pagiging masipag at pokus sa kanilang mandato sa pagpasa ng mga panukalang batas kung saan makikinabang ang mamamayang Pilipino.
“Speaker Romualdez is taking the high road. He is even urging us to be more productive as the 2nd Regular Session of Congress draws near. And I fully agree: we have to focus our eyes on the prize, which is working for the welfare of our constituents, the Filipino people,” pahayag ni Enverga.
Umaasa si Enverga na mapanatili ang “synergy” ng sa gayon maipagpatuloy ang pagpasa sa mga priority legislation ng Marcos administration.
“We could not have done this without the synergy we have with Malacañang. The teamwork made all of these possible. This is why we have to further strengthen this harmonious relations with the administration of President Marcos,” pahayag ni Rep. Enverga.
Ipinagmalaki rin ni Enverga na ang Kamara ay nakapag pasa ng nasa kabuuang 9,600 mga panukalang batas, 1,109 na mga resolusyon at isang petisyon.
Naaprubahan na rin sa ikatlo at huling pagbasa ang 33 sa 42 na panukalang batas na nakalista bilang priority measures ni Pangulong Marcos at ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
Si Enverga ang siya ring nanguna sa pag imbestiga sa isyu ng sibuyas sa bansa at nabunyag ang cartel na siyang nagmanipula sa suplay at presyo ng sibuyas sa bansa.
Bukod sa natukoy na cartel at ang mga kasabwat nito, kapwa binalaan nina Speaker Romualdez at Enverga ang mga profiteers kabilang ang mga local traders na patuloy sa pag take advantage sa mga consumers na mananagot ang mga ito sa batas.
Kung maalala, batay sa Octa Research survey na isinagawa mula Marso 24 hanggang 28, nagtala si Speaker Romualdez ng 59 percent satisfaction rating, 15 percent na mas mataas sa 44 percent na nakuha niya nuong October 2022 survey.
Nagtala rin siya ng 55 percent trust rating, ibig sabihin, karamihan sa mga Pilipino ay nagtitiwala sa kanya. Mas mataas ito ng 17 porsiyento kumpara sa survey na ginawa noong huling quarter ng 2022.
Ganoon din sa mga kamakailang survey ng SWS at Pulse Asia, kung saan nakakuha ang kamara at si Romualdez ng 56% at 51% satisfaction at performance ratings.
“The House of Representatives and Speaker Romualdez have been getting high marks from surveys conducted recently. We don’t want any diversions to adversely affect the good performance of lawmakers. We need to look after the welfare of the people,” pahayag ni Enverga.