-- Advertisements --

Pinapurihan ng Malakanyang ang mga otoridad sa matagumpay na pagkaka-aresto kay Myrna Mabanza, isang United States Specially Designated Global Terrorist at kabilang sa United Nations Security Council Islamic State of lraq and the Levant o Daesh at al-Qaeda Sanctions List.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, na siyang chairman ng Anti-Terrorism Council, ang pagkaaresto kay Mabanza ay positive development sa kampanya ng Pilipinas laban sa terorismo at pagpopondo sa teroristang grupo.

Sinabi ni Bersamin, makatutulong rin anya ito sa pagsisikap ng pamahalaan na makalabas ang bansa sa grey list ng Financial Action Task Force.

Naaresto si Mabanza Indanan, Sulu ngayong araw sa pamamagitan ng pinagsanib na mga pwersa ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, National Intelligence Coordinating Agency, at Anti-Money Laundering Council, at sa suporta ng
Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

May arrest warrants ito para sa limang kaso ng paglabag sa Terrorism Financing Prevention and Suppression Act at Anti-Terrorism Act.

Sangkot si Mabanza sa paglilipat ng pondo kasama ang lider ng Islamic State East Asia, si Isnion Hapilon, at nagsilbing intermediary sa pagitan ni Hapilon at Daesh elements in Syria.