-- Advertisements --

Tiniyak ni House Committee on Appropriations Vice Chair at Makati City Rep. Luis Campos Jr sa mga public utility vehicle o PUV drivers na mabibigyan sila ng tulong pinansyal ngayong taon sa harap ng mataas na presyo ng gasolina. 

Ayon kay Campos, nasa P2.5-B ang inilaang pondo ng Kongreso para sa tulong pinansyal sa mga tsuper sa ilalim ng 2024 national budget  

Kabilang sa mga mabibigyan nito ang mga tricycle driver, ride hailing at delivery service drivers. 

Bukod pa aniya rito ang P510-M tulong pinansyal para naman sa mga maliliit na magsasaka na gumagamit ng langis para sa pagpapatakbo ng makina na gamit sa agrikultura. 

Matatandaang noong nakaraang taon, nakatanggap ng tig sampu ng libong pisong tulong  pinansyal ang mga modern jeepney at UV express drivers. 

Habang P6, 500 naman ang ipinagkaloob sa iba pang pampublikong tsuper, P1200 ang natanggap ng delivery riders at P1000  sa mga tricycle driver.

Noong nakaraang taon, ang mga modern jeepney at UV express drivers ay nakatanggap ng tig-10 thousand pesos.

Base sa datos ng Department of Energy, as of April 2, nasa kabuuang P8.20 ang itinaas na ng presyo ng gasolina at P4.50 sa diesel.