Muling nagtakda ang korte sa Makati City ng imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera sa isang hotel noong Bagong Taon.
Bigo kasi ang ilang respondent na magsumite ng kanilang mga counter affidavit kabilang na si Rey Englis at ibang pang respondent.
Sa Pebrero 3 ay muling magsasagawa ng preliminary investigation ang Makati court para bigyang daan ang pagsusumite ng mga respondents ng kanilang mga dokumentong kailangang isumite.
Sa pagdinig kanina na isinagawa sa Office of the City Prosecutor ng Makati ay present ang mga respondent na sina John Pascual dela Serna, Rommel Galido, Clark Rapinan at Gregorio de Guzman maging ang kanilang mga abogado.
Nagsumite rin ang PNP ng kanilang mga supplemental evidence pero hindi na nabanggit kung ano ang kanilang mga isinumite ngayong araw.
Pero ayon kay Atty. Raymund Martelino, abogado ng respondent na si Englis, sa Lunes ay ni-require ng korte ang PNP na isumite ang buong video dahil ang kanilang isinumite raw ay edited o mga naputol nang mga clips.
Tumagal lamang ang pagdinig ng mahigit isang isang oras at ang humahak sa kaso ay si Makati Assistant City Prosecutor Joan Bolina-Santillan.
Una rito, inihayag ng talapagsalita ng pamilya Dacera na si Atty. Brick Reyes na naniniwala raw ang pamilya Dacera na minolestiya si Christine bago ito namatay.