-- Advertisements --
Nalagpasan pa ng Makati City ang sariling target para sa enrollment ng mga estudyante para sa school year 2020 to 2021.
Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, mahigit 100 percent na ang kanilang enrollment record at posibleng madagdagan pa.
Sa talaan ng syudad, 77,339 ang nagparehistro sa mga pampublikong paaralan sa loob lamang ng mga nakalipas na linggo.
Mas mataas ito kumpara sa 76,000 na mga mag-aaral lamang na pumasok sa Makati public schools, bago pa man ang COVID-19 pandemic.