
Inalis sa display ang 17th-century na St Edward’s Crown ng Britain, ang sentro ng Crown Jewel upang baguhin para sa koronasyon ni King Charles III ng London.
Ang solidong koronang ginto, na nilagyan ng rubi, amethyst, sapphires, garnet, topaze at tourmaline, ay sasailalim sa “modification work” para sa koronasyon ni Charles III sa Westminster Abbey sa Mayo 6 sa susunod na taon.
Ang korona ay ang centerpiece ng Crown Jewels, isang malaking koleksyon ng royal regalia na makikita sa Tower of London na umaakit ng higit sa isang milyong bisita bawat taon.
Mayroon itong purple velvet cap na may ermine band, mahigit 30 cm lang ang taas at talaga namang napakabigat.
Ito ay huling isinuot ni Queen Elizabeth II, sa kanyang koronasyon noon pang taong1953.
Si King Charles III, 74, ay kokoronahan kasama ang kanyang asawang si Queen Consort Camilla.
Kaugnay niyan, ang seremonya ay susundan ng isang pambansang holiday sa Mayo 8 sa nasabing lugar.
Liban nito, isusuot lamang ni Charles III ang korona sa sandaling siya ay makoronahan sa darating na Mayo sa susunod na taon.










