-- Advertisements --

Pinoproseso na ang matatanggap na surplus vaccine ng ating bansa kontra sa kontra sa COVID-19.

Ayon kay Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez, isa ang Pilipinas sa mga napiling bigyan ng US ng surplus na Moderna at AstraZeneca.

Libre aniya itong ipagkakaloob bilang paraan na rin ng pagtulong sa kanilang mga kaalyadong bansa.

Hindi pa inanunsyo kung ilang doses ang ipagkakaloob ng US sa Pilipinas.

Target naman na maihatid ito sa ating bansa sa pagpasok ng buwan ng Hunyo, 2021.