Hiling ngayon ng Makabayan lawmaker na simulan na ang pagdinig sa mga panukalang anti-VAT bills package.
Ito’y matapos atasan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Kamara na pag-aralan na tanggalin ang VAT sa mga utility bills at iba pang mga serbisyo.
Nais ni Castro na talakayin ang House Bill 5994 or the bill removing value added tax (VAT) on systems loss in electricity, House Bill 5995 removing VAT on electricity bills, House Bill 5996 removing VAT on toll fees, at House Bill 5997 removing VAT on water bills para masimulan na ang diskusyon ng sa gayon mas mabilis na matanggal ang VAT dahil malaki na ang pinapasan ngayon ng mga consumer lalo at patuloy sa pagtaas ang inflation lalo na sa mga pangunahing bilihin.
Ayon kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro, kailangan mahigpit na bantayan ang pagtalakay dito para wag magresulta ng pagpalit lang ng panibagong bayarin o buwis kapag tinanggal ang VAT tulad ng mistulang nangyayari ngayon sa Maynilad at Manila Water.
Punto ni Castro, tinanggal nga ang VAT sa kanila subalit tinaas ang franchise tax nila batay sa bagong concession agreement.
Dahil dito sobra naman ang inihihirit nilang dagdag singil.
Batay sa panukala ng Manila Water ang rate per cubic meter sa tubig ay tataas ng P8.04 per cubic meter (m3).
Sa sandaling maaprubahan ito, tataas ang singil sa tubig mula P26.81/m3 sa P35.86/m3 simula sa buwan ng Enero sa susunod na taon.
Para sa household consumption na may konsumong 30m3 ng tubig sa isang buwan, ang kanilang water bill ay tataas na sa P866.12 mula sa kasalukuyang rate na P679.02.
Tinatayang nasa P190 wang madadagdagan sa kanilang proposed increased.
Ayon sa teacher solon ang P26.65 na pagtaas ay halos nadoble na ang kasalukuyang rate.
Giit pa nito na ang nangyayaring sistema ngayon ay tila bigay bawi ang mga buwis kaya palaging ang mga consumer ang sumasalo sa pasanin kaya dapat mapigilan ito.