Nagpahayag ng pagkabahala si House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro kaugnay sa umano’y ulat na internal conflicts sa loob ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sinabi ni Castro nakakabahala ang ganitong mga sinasabing ‘squabblings’ sa loob ng AFP dahil posibleng magkaroon na naman ng coup de etat at katulad nung dati magkaroon uli ng sandamakmak na human rights violations at pagdanak ng dugo.
Ayon sa Makabayan bloc law maker ang dahilan umano ng “squabbles” sa AFP ay ang Republic Act No. 11709, ang batas na pinagtibay ni dating President Rodrigo Duterte na nagtatakda ng fixed term na 3 years para sa walong most senior AFP officers kabilang ang chief of staff at mga commanders ng Army, Air Force at Navy at tila ang nasabing batas ay nagiging sanhi ng tensiyon o dibisyon sa loob ng AFP dahil umaalma ang ibang miyembro na sila ay nalalagpasan sa promotion at selection process.
Dahil dito ilang military officers ang nagsusulong na ipawalang bisa ang nasabing batas o amyendahan ito ng Kamara.
Ayon sa Teacher solon nakakalungkot ang kasalukuyang estado sa AFP kung saan ang mga opisyal ay nagkakaroon ng hidwaan para makuha ang pinaka mataas na pwesto.
Punto ni Castro na sinuman ang itatalagang AFP chief dapat na palagiang ginagalang ang karapatang pantao.










