arlyn brosas

VIGAN CITY – Hindi nagpatinag ang panig ng Gabriela Partylist sa pagdepensa ni Presidente Rodrigo Duterte kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Maj. Gen. Debold Sinas dahil sa kanyang paglabag sa quarantine protocols sa kanyang kaarawan kaya naman nanawagan ang nasabing partido na masibak sa puwesto ang opisyal.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Rep. Arlene Brosas, matindi ang protocol na linabag ni Sinas at kahit pa man protektado ito ng pangulo ay gusto pa rin nilang makasuhan ito ng kriminal at administratibo kaya namay ay naghain na rin sila ng resolusyon.

Iginiit ng kongresista na kahit opisyal ay narapat umanong bigyan ng karampatang parusa ang katulad nitong lumalabag sa mga protocols gaya rin ng paghuli sa mga ordinaryong mamamayan.