-- Advertisements --

Nagpahayag ng pagkabahala ang Makabayan bloc sa desisyon ni Senate President Chiz Escudero na ibalam ang pagsisimula ng impeachment proceedings kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House Deputy Minority Leader France Castro, ang delay ay baka maging dahilan ng tuluyang pagkaka-dismiss ng impeachment case.

Sinabi ni Castro, kada delay ng pagsisimula ng impeachment ay nagdudulot ng kaba kung masusunod ba ang commitment ng Senado na papanagutin si VP Sara.

Paliwanag ni Castro, ang bawat araw ng pagkaantala sa impeachment trial ay nagdadagdag ng pangamba na maaring pinaplantsa na ang pagbabasura sa kaso.

Anya, hindi ito makatarungan sa taumbayan na naghahanap ng hustisya at katotohanan.

Mula sa dating schedule na June 2, iniurong ni Escudero sa June 11 ang paglalahad ng House Proseution panel ng Articles of Impeachment.

Ito ay para daw bigyang daan ang mga trabaho ng Kongreso matapos ang ginawang pulong ng LEDAC.