LAOAG CITY – Pabor si Atty. Carlos Isagani Zarate ang Co-Chairman ng Makabayan Bloc na ma-impeach si Vice President Sara Duterte.
Aniya, para sa kanya ay may sapat na batayan para tanggalin sa puwesto ang Bise Presidente dahil sa maling paggamit ng confidential funds, betrayal of public trust, hindi makapagpaliwanag ng maayos tungkol kay Mary Grace Piattos at iba pa.
Dapat aniyang humarap si Vice President Sara sa isinasagawang pagdinig ng Committee on Justice sa House of Representatives dahil ito ang itinuturing na proper forum para ipaliwanag ang mga alegasyon laban sa kanya.
Paliwanag niya, kung mahatulan ang Bise Presidente sa Senado bilang impeachment court, maaari itong ma-disqualify sa pagtakbo sa anumang posisyon sa gobyerno.
Samantala, hinimok ni Atty. Zarate ang mga mamamayan na singilin ang mga matataas na opisyal ng gobyerno na gumagawa ng anomalya at ilegal na gawain.
















