-- Advertisements --

Kinuwestiyon ng Makabayan bloc lawmaker ang nakaambang pagtataas ng pamasahe sa MRT at LRT na lalon madadagdagan ang pasakit sa mga commuters na araw araw bumibiyahe.

Nanawagan din ang militanteng Grupong Bayan Muna sa Supreme Court na madaliin ang paglalabas ng resolusyon sa 2015 case na kanilang inihain kasama ang ilang commuters groups na kumukwestiyon sa kung ano ang ligal na basehan sa pagpapatupad ng fare hike rates ng MRT at LRT railways systems.

Sa panayan ng Bombo Radyo kay ACT Teachers Party List Representative France Castro, hindi makatarungan ang pagtataas ng pamasahe sa mga tren dahil nasa pandemya pa rin ang bansa at patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin kung saan ang mga mahihirap nating mga kababayan ang umaaray.

Sinabi ni Castro maghahain sila ng resolusyon sa Kamara na suspendihin muna ang nakaambang pagtaas ng pamasahe sa MRT at LRT.

Magugunita na inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang resolusyon mula sa Light Rail Transit (LRTA), para sa pagtataas ng pasahe na aabot sa mahigit 2 piso at 29 centavos.