-- Advertisements --

Ikinatuwa ng mga miyembro ng Makabayan bloc ang naging rekomendasyon ni United Nations (UN) Special Rapporteur Irene Khan para buwagin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ang natura ngang ahensiya ay itinatag sa bisa ng Executive Order No. 70 sa ilalim ng admisnitrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para waksan ang lahat ng armadong banta sa pagkamit ng bansa para sa kapayapaan.

Subalit nabalot ang ahensiya ng pagbabatikos mula sa human rights organization matapos ang ilang napaulat na isyu ng red-tagging o pag-uri sa mga grupo o indibidwal bilang communist fronts o mga terorista.

Sa parte ni ACT Teachers Party-list Rep France Castro, umaasa siya na mapapakinggan ng Marcos administration ang rekomendasyon ni Khan.

AV France Castro

Samantala, hindi si khan ang unang UN special rapporteur na nagrekomenda sa pagbuwag sa NTF-ELCAC dahil una na rin ipinanawagan noon ni United Nations (UN) special rapporteur Ian Fry sa kaniyang pagbisita sa bansa noong Nobiyembre 2023.