Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko at mga opisyal kaugnay ng pagpapanatili ng COVID-19 protocols sa gitna ng pananalasa ni bagyong Ambo.
Ayon sa DOH, katulad nang sa ibang closed setting areas gaya ng kulungan at bahay ampunan, kailangan magkaroon din ng occupational health interventions.
“For example, there could be makeshift plastic barriers within evacuation centers, similar to the arrangement found in our LIGTAS COVID facilities.”
“PPE such as facemasks can also be provided. We can also reiterate other non-pharmaceutical interventions such as frequent handwashing and cough etiquette.”
“Lastly, it would be important to isolate at the earliest possible time any evacuees who may display COVID-19 symptoms to prevent its spread.”
Binigyang diin din ng kagawaran ang kahalagahan ng paghuhugas ng kamay at tamang pag-ubo. Pati na ang pag-isolate sa mga evacuee na makikitaan ng sintomas ng COVID-19.
Tinatayang nasa libo-libong pamilya ang maaapektuhan ng bagyong Ambo na ngayon nagsimulang manalasa sa ilang bahagi ng Mindanao at Visayas.