-- Advertisements --
image 205

Umani ng iba’t ibang reaksyon ang mainit na pagbati sa wikang Mandarin ni Vice President Sara Duterte-Carpio bilang pagpupugay sa National Day ng republika ng China.

Kung saan ang okasyon ng ika-73rd anniversary ng People’s Republic of China ay pinaabot kay Chinese President Xi- Jinping, at sa Chinese Ambassador ng Pilipinas na si Huang Xilian at maging sa lahat ng mga Chinese.

Una nga rito sinabi na noon ni former President Rodrigo Roa Duterte na sila ay may Chinese blood sa kanyang lola na siya ring Spanish-Chinese mula sa Talisay.

Marami naman ang natuwa sa pangalawang pangulo dahil sa pagbigkas ng Mandarin ngunit may iba naman na nagsabi na trying hard ang bise presidente.

Ang pagbati raw na ito ay nagpakita ng isang progresibong samahan ng gobyerno ng China at internasyonal na pag-unlad na nagtagumpay sa layunin ng pagpuksa sa kahirapan, paglaban sa pandemya ng COVID-19, at ang pagkakaibigan na mas naging matatag ng China-Philippines.