-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni Maine Mendoza ang kaniyang nobyong si Arjo Atayde sa mga natatanggap nitong batikos online.

Pinapaimbestigahan kasi ang actor ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong dahil sa paglabag sa health protocols habang gumagawa ng pelikula sa nasabing lungsod.

Kahit aniya na nagpositibo sa COVID-19 ang actor at ilang mga production crew nito ay labas-pasok pa sila sa lungsod.

Dahil dito ay may ilang netizen ang nagalit sa ginawa ng actor kung saan nasakripisyo aniya ang kanilang kalusugan.

Sagot naman ni Mendoza sa mga bumatikos ay dapat ay huwag mabilis na maniwala sa mga balita sa online at ito ay kanilang kumpirmahing mabuti.

Magugunitang itinakbo sa pagamutan nitong Lunes ang actor matapos na makaranas ng sintomas ng COVID-19 habang naka-isolate na ang kanilang production staff.