-- Advertisements --

Pumanaw na ang tinaguriang pinakamatagal na gitarista ng bandang ABBA na si Lasse Wellander sa edad na 70.

Inanunsiyo ng pamilya ang pagpanaw ni Wellander matapos na dapuan ng cancer.

Itinuturing ng banda na isang malapit na kaibigan si Lasse at magaling na gitarista.

Inihayag pa ng banda na labis nilang ma-mimiss ang kanilang gitarista.

Isinilang ang Swedish guitarist noong 1952 at naging bahagi ng banda noong 1974.

Nakasama na siya sa kantang “Intermezzo No. 1 ” at “Crazy World “.

Mula noon ay naging main guitarist na siya ng banda at nakasama sa mga concert ng banda.

Noong dekada 80 ay sumama rin siya sa iba’t-ibang banda gaya ng Low Budget Blues Band, Zkiffz, Little Mike and the Sweet Soul Music Band at Stockholm All Stars.

Noong 2005 ay nabigyan siya ng Albin Hagström Memorial Award mula sa The Royal Swedish Academy of Music at matapos ang 13 taon ay ginawaran siya ng Studioräven Award ng Swedish Musicians Union’s dahil sa kakaibang kontribusyon nito bilang session musicians.