-- Advertisements --

Ibinunyag ng United States Agency for International Development (USAID) na isang banta sa Business Process Outsourcing (BPO) ang mahinang cyber security ng bansa.

Ito ang lumabas sa National Cybersecurity Plan 2022 Assessment Survey ng USAID.

Ayon as Better Access and Connectivity (BEACON) ng USAID, na karamihang mga BPO sa Pilipinas ay mula sa US.

Sakaling napabayaan ang kahinaan ng cybersecurity ng bansa ay nangangambang maglaho ang nasa $23-bilyon na investment ng mga BPO.

Lumabas din kasi asa Global Security company na Kaspersky Lab na nangunguna ang Pilipinas na tinatarget ng mga banking malware sa Asia-Pacific region kung nagtala ang Pilipinas ng maraming bilang ng mga users na inatake ng banking Trojans malware.

PInayuhan na lamang ng USAID BEACON ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na dapat mag-invest ang Pilipinas.