NAGA CITY- Tinatayang mahigit sa 300 na mga Bicolanong Overseas Filipino Workers (OFW) ang nakauwi sa rehiyon simula pa ng mga nakaraang linggo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Rowena Alzaga, spokesperson ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)-Bicol, sinabi nito na nagsimula na silang tumanggap ng mga umuuwing OFW’s kung kaya umabot na sa halos 300 ang mga Bicolanong nakauwi.
Ayon kay Alzaga, inaasahan na rin ang mga OFW’s na nasa 50 katao na sakay ng tatlong bus mula sa Metro Manila.
Dagdag pa nito wala naman umanong problema lalo na sa mga local government units lalo na at handa naman ang mga ito na tanggapin ang nasabing mga OFWs.
Ngunit dapat parin umanong mayroon maayos na pakikipagugnayan at sapat na dokumento ang nasabing mga Bicolano.