Umabot sa mahigit P85 million na halaga ng smuggled na mga sigarilyo na nasakote ng Bureau of Customs Davao, ang ikinokonsiderang pinakataas sa lahat ng smuggled goods ngayong taon.
Ayon kay District Collector Erastus Austria pinakamalaking halaga ng recovered smuggle goods ang sigarilyo at sinundan naman ito ng sasakyan na nagkakahalaga ng P15 million, at smuggled agricultural products na nasa P1.2 million.
Sa Kabuuan, tinatayang nasa mahigit P101 million pesos ang halaga ng mga nasabing smuggled items na mas taas pa kung ikumpara nitong nakalipas na taong 2021 na umabot lamang sa P38 million. Ang pagdami ng comfiscated smuggled goods ay bunga ng pinahigpit na montoring at inspection sa mga tindahan na pinaniniwalaang nagtitinda ng mga smuggled items.
Sa katunayan ay nakipag ugnayan ang mga daungan sa Mindanao at sa otoridad, na nagresulta sa pagkakumpiska ng mga smuggled goods. Maliban pa sa mga natatanggap na intelligence reports na isinasakay umano sa maliliit na bangka ang mga kontrabando mula sa ibang bansa. Kaugnay nito nagpa alala si Austria, na may paglalagyan at kasong kakaharapin ng sinumang magtangkang magpuslit ng kontrabando sa bansa.