NAGA CITY – Kumpiskado ang mahigit P7.6-M na halaga ng pinaniniwalaang shabu sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga awtoridad laban sa isang High Value Individual sa Lucena City.
Kinilala ang suspek na si Andrian Sebuc Saludez, 34-anyos, residente ng Immaculada Subdivision Barangay Isabang sa nasabing lungsod.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili ang nagpanggap na posuer buyer ng isang sachet ng nasabing iligal na droga sa suspek gamit ang P1,000 at 59 piraso ng P1,000 bilang boodle money na ginamit rin bilang buy-bust money.
Maliban pa dito, narekober pa kay Saludez ang tatlo pang piraso ng knot ied heat-sealed transparent plastic bag na mayroong laman ng pinaniniwalaang shabu at pitong sachet pa ng nasabing iligal na droga.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na umabot sa humigit-kumulang 375 grams ang nakumpiska na iligal na droga sa suspek na nagkakahalaga naman ng nasa P7,650,000.00.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awotirdad si Saludez para sa karampatang disposisyon.