-- Advertisements --
DSWD REX GATCHALIAN

Naglaan ang DSWD ng mahigit P565 milyong halaga ng food packs sa mga rehiyonal na tanggapan nito, habang naghahanda ito sa pananalasa ng Bagyong Mawar.

Sa isang pahayag, sinabi ng ahensya na nakapaghanda ito ng kabuuang 797,051 family food packs sa mga regional office nito.

Bukod dito, mayroong 110,667 family food packs sa disaster response centers nito, higit 101,000 ay nasa National Resource Operations Center sa Pasay City at mahigit 9,000 naman ang nasa Visayas Disaster Resource Center.

Kaugnay niyan, inutusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga regional director na makipag-ugnayan sa kanilang Regional Disaster Risk Reduction and Management Councils, at pinayuhan din ang mga lokal na pamahalaan na maghanda para sa epekto ng nasabing bagyo.

Kung matatandaan, sinabi ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na ang forecast ay nagpakita na ang bagyo ay maaaring makaapekto sa Ilocos Region, Cagayan Valley, at sa Batanes area, kung kaya’t marami sa kanilang mga food packs ang naipon para sa nabanggit na mga lugar.

Dagdag dito, bahagyang humina ang tropical cyclone na Mawar sa isang bagyo mula sa isang super typhoon noong ngunit maaaring muling lumakas kapag nakapasok na ito sa lugar ng Pilipinas.

Ang bagyo ay maaaring magsimulang pumasok sa Philippine area of ​​responsibility (PAR) sa darating na Biyernes, Mayo 26, at inaasahang nasa loob ng PAR sa araw naman ng Sabado.