-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na mahigit P378 milyon na halaga ng mga benepisyo ng COVID-19 ng mga health care worker ang hindi pa nali-liquidate.

Batay sa datos ng DOH, kabuuang P378,005,551 ang inilaan para sa Special Risk Allowance (SRA), meals, accommodation and transportation (MAT) allowance, One COVID-19 allowance (OCA) ng mga health worker ang hindi pa nali-liquidate ng health facilities, mga local government unit at pribadong ospital.

Nakasaad sa talaan na ang unliquidated funding para sa Special Risk Allowance (SRA) ay umabot sa P174,771,486, nasa P41,207,700 para sa meals, accommodation and transportation at P162,026,355 para sa One COVID-19 allowance (OCA).

Hinimok ng DOH ang mga health facility at pribadong entity na agad na i-liquidate ang mga benepisyong ibinibigay sa mga medical frontliners.

Hinimok ng DOH ang mga health facility at pribadong entity na agad na i-liquidate ang mga benepisyong ibinibigay sa mga medical frontliners.