-- Advertisements --
image 98

May kabuuang 730 anti-smuggling operations ang naisagawa ng BOC na nagresulta sa pagkakasamsam ng P35.963 bilyong smuggled goods mula Enero hanggang Setyembre.

Ipinapakita nito ang pangako ng kawanihan na paigtingin ang proteksyon sa border ng bansa at hadlangan ang mga ilegal na aktibidad.

Ang mga nagawa ng BOC ay sumasalamin sa dedikasyon nitong isulong ang paglago ng ekonomiya ng bansa.

Higit pa rito, ang BOC kamakailan ay nakipagtulungan sa Department of Trade and industry (DTI), Strategic Trade Management Office (STMO), at ARISE Plus Philippines upang isulong ang pagpapadali ng mga pamamaraan sa customs at pagbutihin ang pagiging mapagkumpitensya ng kalakalan.

Nakakolekta rin ang Bureau of Customs (BOC) ng P79.225 bilyon sa mga duties and taxes, na lumampas sa September 2023 goal ng kawanihan na P76.445 bilyon ng P2.780 bilyon o 3.64%.

Ang mga isinagawang hakbang ay magbibigay ng pondo para sa mga makabuluhang programa at serbisyo ng pamahalaan na makikinabang sa Pilipino.