-- Advertisements --

Sa kulungan ang bagsak ng isang babaeng high-value individual matapos ang isinagawang operasyon kagabi, Mayo 29, sa Brgy. Pusok lungsod ng Lapu-lapu kung saan nasabat ang 5.1 kilo ng shabu.

Nakilala ang suspek na si alyas Lanie, 27 anyos at residente ng Brgy. Tejero nitong lungsod ng Cebu.

Nakumpiska mula sa posisyon nito ang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P34.6M pesos, isang cellphone, isang sling bag at ang maletang ginamit na lalagyan ng droga.

Ayon sa mga otoridad, isinailalim pa ang suspek sa isang buwang intelligence surveillance.

Nagsilbi pa itong “bodegero” at nag ooperate sa loob na ng halos isang taon.

Makapagdispose din ito ng 5 hanggang 6 na kilo bawat linggo.

Nagmula pa umano ang source ng iligal ng droga sa isang preso sa isang jail facility sa Luzon.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patunay lamang umano ito na walang puwang sa lungsod ang ganitong klase ng iligal na aktibidad kasabay ng pagbabanta na hindi sila titigil sa kampanya laban sa iligal na droga at sa paghahabol sa mga nasa likod nito.