-- Advertisements --

NAGA CITY – Kumpiskado ang mahigit P208-K na halaga ng pinaniniwalaang iligal na droga sa isinagawang buy bust ng mga awtoridad sa Purok Dama De Noche, Brgy. Silangang Mayao, Lucena City.

Kinilala ang suspek na si Mike Angel Mendoza, 27-anyos, residente ng Brgy. Bamban Tagkawayan, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili ang nagpanggap ng posuer buyer ng isang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu sa suspek gamit ang P1,000 bilang buy bust money.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nakumpiska pa sa suspek ang isang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet ng shabu na mayroong bigta na humigit kumulang 10.22 grams at nagkakahalaga ng nasa P208,488.00

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.