-- Advertisements --

Direktang ilalaan sa health assistance ang donasyong $4 million o P204 million ng Estados Unidos para sa Pilipinas.

Nakasentro ang tulong para sa laboratory systems, pag-activate ng case-finding at event-based surveillance, pati na ang dagdag na technical experts.

Magagamit din ito sa pagtugon at paghahanda at risk communication at iba pa ngayong umiiral ang community quarantine.

“Nearly $4 million in health assistance will help the Philippines government prepare laboratory systems, activate case-finding and event-based surveillance, support technical experts for response and preparedness, risk communication, infection prevention and control, and more,” wika ng US state department.

Sinasabing nakapaglaan na ang Amerika ng $582 million na suporta para sa Pilipinas ukol sa mga isyung pangkalusugan, habang $4.5 billion naman ang total assistance sa nakalipas na dalawang dekada.

“The United States has invested more than $582 million in the Philippines’ health alone and nearly $4.5 billion in total assistance over the past 20 years,” saad pa ng kanilang pahayag.